* Price may vary from time to time.
* GO = We're not able to fetch the price (please check manually visiting the website).
Blush Series 9: Jack In The Box is written by Rose Tan and published by Precious Pages Corporation. It's available with International Standard Book Number or ISBN identification 9710299514 (ISBN 10) and 9789710299515 (ISBN 13).
“Sa buong buhay ko—natin, ngayon lang ako nakarinig ng papuri mula sa `yo, Jack. Nakakatakot, baka… baka premonition na `yan. Knock on wood.” Immune na dapat si Irma sa mga pambubuska at panlalait ni Jack Ryan sa kanya. Simula kasi nang matuto itong magsalita, nilalait na siya nito. Kaya nang makatapos si Irma ng pag-aaral ay lumayo siya sa kanilang lugar. Dahil kahit sukdulan ang inis niya sa kababata, hindi niya naiwasang ma-in love dito. Pero sinundan siya ni Jack. At ngayon ay pinaaamin siya na mahal niya ito. Imbes na umamin at akitin na lang si Jack, gumawa pa si Irma ng paraan para kumbinsihin ito na wala siyang gusto rito. Dahil walang kahalintulad na takot ang mararamdaman niya kung malalagay sa balag ng alanganin ang kanyang damdamin.